August 29th, 2005
u stil care bt u don't luv him anymore... POSTED AT 05:19 PM possible? please say yes i broke up with by bf (for almost 3 years) the reason... i don't love him anymore but i still care.. i swear... what worries me is his studies the last time we broke up, he flunked 3 subjects.. the only thing that drives him to pursue his course, is bcoz i told him so... i still care for him and i still love him but not the love i used to feel for him im stil here... il be ur FRIEND... Currently listening to: nothin' Currently feeling: worried 1 comments
|
|
April 4th, 2005
summer means... POSTED AT 11:09 AM ...beaches! (nkapag-beach na ako dito sa province, stig beaches nmin one ride lang.. ang saya!) ...getting a good tan! ( inggit kau.. meron na ako!) ...halo-halo (hay..everyday yta eto kinakain ko) ...lotsa foods! (shemps...) ...pearl shakes ...dvd movie marathon (28 days later, Identity, Mona Lisa Smile, Catch Me If u Can..and i will add more to these movies) ...summer classes!!! (lech. il be back to the urban sa 14th.. peste kasing cwts yan.. summer lang meron sa masscomm!) gota go... Currently listening to: angel of mine Currently feeling: windang |
|
March 22nd, 2005
nagmamaka.. POSTED AT 10:06 PM syet.. patambay-tmbay sa starbucks, payosi-yosi, pabar-bar.. lech! nkakainis lang dem kc dey look down on the people labeled as "masa", and im one of dem.. so wat? at least nagpapakatotoo.. unlike dem f i know sum of dem r not reli dat rich, nagmamaka lang.. dey labeled masa people like me as masa bcoz i patronize sm, tutuban and tiangges,(kebs nla, bnoboycott ko lang glorietta, power plant and gateway. dahil overpricng cla..heheh) i prefer nescafe than starbucks, id rather eat at lutong bahay dan choc kis, i also make commute everyday kc i dnt hav a car.. i also live n a dorm coz im a promdi. another thing, i eat isaw hir n peyups, well yeah may mga coño pipz dn na nag-iisaw dito pro cant stand being malapit to dem kc nkakairita da way they talk to each other.. lyk i wana make dem sampal.. as n all of dem! but i admit sumtyms, nagmamaka na rin ako but juz to entertain my friends.. syet.. uu nga.. so does it mean na im a jolog? kc wen ur making gaya daw da coño pipz, it means dat jologs ka/TH. f*ck! it means dat ur trying to be in deyr level? f*ck! nagmamaka ka na din. f*ck! hinD kaya! =) heheh.. neknek nila! masa/jologs! so wat? basta wag lang nagmamaka! ciao! Currently feeling: silly |
|
March 21st, 2005
its over.. POSTED AT 10:55 PM i cant wait to make sakay na in our carabao.. heheh.. hindi po ako tga bukid, chartered city na po ang borongan.. wla lang.. hehe.. miss ko na family ko and my high school fwends! sobwa.. miss ko na rin beaches sa amin pati mga falls.. hay... saya tlga ng lyp after exams.. pro i hav to fnish pa my articles para sa magazine namin.. tagalog mag, wag ka! fnal proj namin for MPs174... san kpa?! name ng mag namin "kwaderno" ako nakaisip nyan.. stig noh?! bkt kwaderno? kc target market ng mag college studs eh dba sobrang essential sa ating mga koleyds stud ang notebuk kc dun nkalagay lhat ng mga tings na kailangan ntin.. lifeline natin ang ating mga notebuk.. since tagalog nga ung mag kaya "kwaderno".. ciao! Currently feeling: satisfied |
|
March 18th, 2005
aviator,kung hanap mo'y sakit ng ulo POSTED AT 08:37 PM Nagsisisi ako kung bakit ko pinag-aksayahan ng pera at panahon ang pelikulang ito. Siguro magugustuhan ito ng kaibigan kong nasa PATTS na nag-aaral sa pagka-piloto o kaya ng kaibigan kong Film major dito sa UP. Pero para sa isang masayahin at maingay na taong tulad ko, hindi yata kaaya-ayang panoorin ang pelikulang ito. Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa isang mayamang movie producer na si Howard Hughes (Leonardo De Caprio) na walang ibang alam kundi ang ubusin ang pera niya sa paggawa ng mga pelikula. Naisip din niyang gumawa ng mga eroplano. Sa unang bahagi ng pelikula ay aakalain mong isang normal na tao si Howard pero sa kalagitnaan ng pelikula ay mapapansin mong may topak siya. Pinalaki siya ng nanay niyang “vain” at sukdulan ang pagiging health conscious. Nagsimula ang kanyang pagkabaliw ng pumalpak ang isa sa mga gawa niyang eroplano. Kasama siya sa pagbagsak nito na muntikan pa niyang ikamatay. Hinabla siya ng gobyerno ng America dahil ang binigay na pera ng gobyerno sa kanya ay napunta sa wala. Gayunpaman, ay naging matagumpay siya ng matapos ang paggawa at ng mapalipad niya ang pinaka-malaking eroplano sa panahong ‘yon. Tatlong oras kong pinag-tiisan ang pelikula, mahahaba ang mga usapan, mahirap maintindihan ang mga linya, magulo ang pagkakasunod-sunod ng kwento dahil sa dami ng tauhan (dami ng babae ni Howard). Sobrang absurd ang pelikula na tipong sasakit na ang ulo mo dahil sa pagpipilit na maintindihan ang takbo ng kwento. Ewan ko kung bobo o tanga lang talaga ako. In fairness, magaling si Leonardo De Caprio at bagay na bagay ang role sa kanya. Magaling din ang ibang casts. Maganda rin ang konsept at tema ng pelikula kaya lang hindi lang talaga swak sa panlasa ko. Kaya ko siguro hindi nagustuhan ang pelikulang Aviator dahil masyadong seryoso ito, ‘yong tipong magugustuhan nila Rizal at Aguinaldo. Kumbaga para sa mga taong “boring” kasama at mga taong naghahanap ng sakit ng ulo. |
|
